1. Main
  2. Guestbook
  3. Comments
  1. Forums
  2. Guestbook
  3. Comments
  4. Contact
  1. Main
  2. Gallery
  3. Music
  4. Videos
  5. Blog

Entoi and Intoy

poem


Panaginip

Kumuha ako ng papel at ballpen na di alam kung ano ang gagawin Nakikinig ng musika at nangangarap mag-isa Nasanay balang araw ay makasama ka

Tumunog na pala ang paborito kong kanta kasabay ng pag-ulan sa labas ng aming bahay Tahimik kong pinakinggan hanggan sa ito’y natapos lang Naparabang hindi mag babalik

Tulad ng masaya kong oras na kasama ka sa panaginip Na hindi sinasadyang mapadaan sa gitna ng aking pag idlip

Masaya ako kahit sa isang munting panaginip ay nagsama tayo Pinahinto nito ang oras na tumatakbo sa prublema Na wala nito ang sakit na dinadala.

Tamang panaginip to na mag dadala saking kasiyahan Tahimik nitong nilipad ang isip ko sa kalangitan Naparabang hindi na mag babalik

Tulad ng masaya kong oras na kasama ka sa panaginip Na hindi sinasadyang maligaw sa gitna ng aking pag idlip

Nagising ako sahimbing ng pagtulog ko Kasabay ng pagkawala ng panaginip ko Natulala ako sa nakita ko papel at ballpen ko nasa tabi ko
Main

Kantam

Panibagong araw para sa taong naghihintay ng kasiyahan walang ginawa kung di mag abang ng kasagutan.

Nakaupo sa gitna ng kawalan, nakadungaw sa kaulapan Nagtatanong, naghahanap ng kasagutan mula sa kalangitan

Lahat tayo my mga pagsubok sa buhay Wag mong isipin na ika’y na pag tritripan

Tulungan mo sarili mo sa pag angat ng lumulubog mong mundo pagsubok lang yan na alay sayo, bumangon ka’t labanan to…

Panibagong buwan para sa taong naghihitay ng kasagutan walang ginawa kung di mag tanong sa may kapal

Nakaupo sa sulok ng kawalan, sinisilip ang kadiliman Nagtatanong, naghahanap ng kasagutan mula sa kalawakan

Salamat sa mga taong nag bigay sayo ng kalinga Sa mga oras ng ika’y nag-iisa, at nangungulila
Main

Kailang lang

Di ba parang kailan lang tayo ay mag-kakasama Di na namalayan pawala na ang pinagsamahan Di ba parang kailan lang tayo ay nagkakasiyahan Di na namalayan parating na ang kalungkutan

Naaalala nyo pa ba noong tayo’y magkakasama pa Sa bubong ng hirap at ginhawa… o barkada nasan na Sana ibalik ang ligaya…o barkada nasan na Hinahanap hanap ang saya.

Di ba parang kailan lang tayo ay nag-iinuman Di na namalayan unti-unti nang nag-alisan Di ba parang kailan lang tayo ay nangangarap Di na namalayan nakamit na ang pinapangarap

Naaalala nyo pa ba noong tayo’y magkakasama pa Sa mundo ng galak at ligaya… o barkada nasan na Wala na ba ang ligaya? o barkada nasan na Wala na ba ang saya?

Hinahanap hanap ko ang sarap ng nakaraan… Hinahanap hanap ko ang saya na nagdaan…

Diba parang kailan lang tayo’y magkakasama Taon na ang binilang nasan na kayo mga kaibigan?
Main

POTPOT

Its start when I looked in your eyes And the misery of my story starts. Slowly I fall in love with you, And I secret it, knowing you hate it.

Days have past, making a plan, To show everything what I feel for you. It’s crazy that you do not feel it, And my heart aching, dying slowly.

And every night, I’m thinking of you, all I hear is the sound of you And my tears began to sing that dries up my feelings…

I awing about my feeling for you Could it end up easily or a life time story How fast the days have past Time is running to welcome the sadness.

And every night, I’m thinking of you, all I hear is the sound of you And my tears began to sing that dries up my feelings…

Years have passed, in a different path, we are in the distance and I having fun It’s stupid if the memory of you blows in my mind, my heart starts shouting your name.

Every night, I’m thinking of you, all I hear is the sound of you And my tears began to sing that dries up my feelings…
Main

Sa pag daan mo

Kailangan bang mag hirap ako ng ganto Mawala lang ang nararamdaman ko saiyo Hindi ko alam bakit ang tindi ng tama ko saiyo Nagagawa ko ang lahat para lang saiyo

Kelan ba tayo huling nag kita at nag usap Dating oras, araw, buwan ngayon taon na Hindi ko alam kung nasan kana Magagawa ko lang ay ipagdasal ka

Lumayo ako para kalimutan ka Naghanap ng iba para sumaya Hindi ko alam puso ko naiwan saiyo Magagawa ko lang ay palitan ito

Kailangan bang dumaan ka sa buhay ko Kung masasaktan lang naman ako Hindi mo ba alam sa pagdaan mo Dala mo na ang puso ko o kaibigan ko

lumipas na ang maraming taon Ikaw parin ang sinisigaw ng puso kong Hindi makasigaw sa takot ng katotohanan Na ayaw mong marinig na minamahal kita

Kelan matatapos itong dinadaanan ko Na merong bakas ng mga alala mo Hindi ko alam kung nasan ang dulo nito Magagawa ko lang ay tumakbo ng tumakbo

Dumaan kaba sa buhay ko para pa ibigin ako O dumaan ka lang para masaktan ako

Dumaan kaba sa buhay ko para pa ibigin ako O dumaan ka lang para masaktan ako

Dumaan kaba para kunin ang puso ko O dumaan ka para ibigay ko to saiyo
Main

Why? Why?!?

Why is this life feel bore? Why this heart is feeling lonely? And why this eyes tears? When you’re not around

Why I feel that I care for you? Why I feel that I’m missing you? And why I feel that I can’t forget you? When I see you in my dreams

Why I do the best for you? Why I do stupid things just for you? And why I do forget my self just for you? When I feel that I want you

Why I do a good poem for you? Why I do this song for you? And why I sing this song for you? Oh I don’t know why!
Main

8 years

Ilang kanta na ba ang hindi ko natapos? Mga kanta na para saiyo na wala pang tono! Ilang tula naba ang aking nabasura? Mga tulang parang walang kwenta!

Ilang luha pa ang papatak para malimutan ka Tatlong taon na noong huli tayong nagkita

Bakit may mga tanong sa isip ko na walang sagot? Mga paghihirap ko na walang puputahan kundi kasawian at malagim nakatotohanan.

Ilang taon naba kong na nanaginip? Sa mga panaginip na kay saya sakin isip! Ilang taon naba ang pinalipas ng panahon? Sa mga oras na ako’y nag iisa at nangungulila

Ilang luha pa ang papatak para malimutan ka Tatlong taon na noong huli tayong nagkita

Bakit may mga tanong sa isip ko na walang sagot? Mga paghihirap ko na walang puputahan kundi kasawian at malagim na katotohanan.

Walong taon na noong nagustuhan kita Walong taon naring tinago na mahal kita Walong taon naring pinapangarap ka Walang taon naring naging malungkot at masaya Sa wakas kaya ko nang sabihing mahal kita Kung kelan may minamahal kana…
Main