1. Main
  2. Guestbook
  3. Comments
  1. Forums
  2. Guestbook
  3. Comments
  4. Contact
  1. Main
  2. Gallery
  3. Music
  4. Videos
  5. Blog

Entoi and Intoy

Stories


Blog | Stories | Lyrics | Poem | Confessions



Panaginip

Kumuha ako ng papel at ballpen na di alam kung ano ang gagawin Nakikinig ng musika at nangangarap mag-isa Nasanay balang araw ay makasama ka

Tumunog na pala ang paborito kong kanta kasabay ng pag-ulan sa labas ng aming bahay Tahimik kong pinakinggan hanggan sa ito’y natapos lang Naparabang hindi mag babalik

Tulad ng masaya kong oras na kasama ka sa panaginip Na hindi sinasadyang mapadaan sa gitna ng aking pag idlip

Masaya ako kahit sa isang munting panaginip ay nagsama tayo Pinahinto nito ang oras na tumatakbo sa prublema Na wala nito ang sakit na dinadala.

Tamang panaginip to na mag dadala saking kasiyahan Tahimik nitong nilipad ang isip ko sa kalangitan Naparabang hindi na mag babalik

Tulad ng masaya kong oras na kasama ka sa panaginip Na hindi sinasadyang maligaw sa gitna ng aking pag idlip

Nagising ako sahimbing ng pagtulog ko Kasabay ng pagkawala ng panaginip ko Natulala ako sa nakita ko papel at ballpen ko nasa tabi ko




Kantam

Panibagong araw para sa taong naghihintay ng kasiyahan walang ginawa kung di mag abang ng kasagutan.

Nakaupo sa gitna ng kawalan, nakadungaw sa kaulapan Nagtatanong, naghahanap ng kasagutan mula sa kalangitan

Lahat tayo my mga pagsubok sa buhay Wag mong isipin na ika’y na pag tritripan

Tulungan mo sarili mo sa pag angat ng lumulubog mong mundo pagsubok lang yan na alay sayo, bumangon ka’t labanan to…

Panibagong buwan para sa taong naghihitay ng kasagutan walang ginawa kung di mag tanong sa may kapal

Nakaupo sa sulok ng kawalan, sinisilip ang kadiliman Nagtatanong, naghahanap ng kasagutan mula sa kalawakan

Salamat sa mga taong nag bigay sayo ng kalinga Sa mga oras ng ika’y nag-iisa, at nangungulila




Sa pag daan mo

Kailangan bang mag hirap ako ng ganto Mawala lang ang nararamdaman ko saiyo Hindi ko alam bakit ang tindi ng tama ko saiyo Nagagawa ko ang lahat para lang saiyo

Kelan ba tayo huling nag kita at nag usap Dating oras, araw, buwan ngayon taon na Hindi ko alam kung nasan kana Magagawa ko lang ay ipagdasal ka

Lumayo ako para kalimutan ka Naghanap ng iba para sumaya Hindi ko alam puso ko naiwan saiyo Magagawa ko lang ay palitan ito

Kailangan bang dumaan ka sa buhay ko Kung masasaktan lang naman ako Hindi mo ba alam sa pagdaan mo Dala mo na ang puso ko o kaibigan ko

lumipas na ang maraming taon Ikaw parin ang sinisigaw ng puso kong Hindi makasigaw sa takot ng katotohanan Na ayaw mong marinig na minamahal kita

Kelan matatapos itong dinadaanan ko Na merong bakas ng mga alala mo Hindi ko alam kung nasan ang dulo nito Magagawa ko lang ay tumakbo ng tumakbo

Dumaan kaba sa buhay ko para pa ibigin ako O dumaan ka lang para masaktan ako

Dumaan kaba sa buhay ko para pa ibigin ako O dumaan ka lang para masaktan ako

Dumaan kaba para kunin ang puso ko O dumaan ka para ibigay ko to saiyo

Main